Ipinagpaliban ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang pagbasa ng sakdal sa kasong possession of dangerous drugs laban kay Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino.

Ayon kay Public Attorneys’ Office (PAO) Chief Atty. Persida Acosta, abogado ni Marcelino, binigyan ng 10-araw ni Judge Felicitas Laron-Cacanindin ng Manila RTC Branch 17, ang prosekusyon para magsumite ng komento sa mosyon ni Marcelino.

Sa 23-pahinang mosyon ni Marcelino at Chinese na si Yan Yi Shou, hiniling nila sa Korte na mabasura ang kasong isinampa ng Department of Justice (DoJ), kaugnay sa pagkakatagpo sa kanila sa loob ng isang shabu laboratory sa Sta. Cruz, Maynila noong Enero 21, dahil sa umano’y kawalan ng probable cause. (Beth Camia)

Relasyon at Hiwalayan

Richard Gutierrez, Barbie Imperial kumpirmadong nasa dating stage na