“MAHILIG siya! Hindi makutento sa iisa!”

Ito ang iritable at simulang kuwento sa amin ng taong maraming alam sa buhay pag-ibig ng dalawang kilalang personalidad.

“’Yang si _____ (aktres), magulong kausap, hindi mo alam kung sino ang dyowa talaga kasi mahilig siya magsabay-sabay. Akala nga namin for keeps na sila ni _____ (aktor), eh, hindi pala kasi nangaliwa.

Tsika at Intriga

Vice Ganda, pasimpleng kinumpirma breakup nina Ryan Bang, Paola Huyong?

“Nagpaalam si _____ (aktres) kay _____ (aktor) na may taping or may event na pupuntahan, so pinayagan maski na may lakad sila.

“Parang kinabahan bigla si _____ (aktor) na parang may naramdaman siyang kakaiba kaya pinasundan niya si _____ (aktres) kung saan pupunta. Hayun, bingo, mineet ni _____ (aktres) si _____ (Aktor B) sa isang mall na ang taas ay hotel na, so alam mo na ano’ng nangyari.”

“Agad na itinawag kay _____ (Aktor A) ng espiya niya kung nasaan si _____ (aktres). Tinawagan ngayon ni _____ (Aktor A) si (aktres) at tinanong kung nasaan siya, sumagot ang hitad na nasa taping siya.

“Hindi na muna siya sinita ni _____ (Aktor A) at pagkalipas ng isang oras o dalawa, pagbaba nina _____ (aktres) at _____ (Aktor B) sa lobby, doon nagpakita si _____ (Aktor A), kaya caught in the act ang dalawa. Bongga, di ba?

“Kaya pala biglang naghiwalay na ang dalawa. Di ba nagulat na lang tayo, biglang nag-aaway na, biglang break na? ‘Yun pala nahuli si Girl na nangaliwa. Sa totoo lang, seryoso sa kanya si _____ (Aktor A) kasi umiyak at sabi niya, ‘Akala ko mahal niya ako, akala ko okay na kami, akala ko, for keeps na, hindi pala.’ Kaya pala itong si _____ (Aktor A) ay galit nagalit kay (aktres) kasi nga niloko siya.”

Siyempre, ang tanong namin, kung ano na ang nangyari kay Aktres at Aktor B na mineet niya sa mall sabay akyat sa hotel?

“Hindi sila nagtagal, break kaagad kasi itong si _____ (aktres), hindi rin siya kuntento kasi dyutay daw at waley,” tumawang sagot sa amin.

Hmmm, kaya pala biglang nag-away din ang dalawa na ikinagulat ng lahat.

So ano ang ending, tanong namin sa source.

“Eh, di wala, kanya-kanya na silang tatlo, pero itong si Girl, may dyowa raw non-showbiz ngayon. Abangan natin kung magtatagal, alam mo naman ‘yan.”

Nakakaloka ang aktres na bida sa blind item natin, Bossing DMB, parang nagpapalit lang ng damit kung makapagpalit ng boyfriend. (Insatiable! –DMB) (Reggee Bonoan)