TUGUEGARRAO, Cagayan – Labindalawang oras na mawawalan ng kuryente bukas, Setyembre 28, ang Cagayan, ilang bahagi ng Isabela, Apayao at Kalinga, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Simula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi ay walang kuryente ang mga sineserbisyuhan ng Iselco II, Cagelco I, Cagelco II, Kaleco at Iselco I-Reina Mercedes.

Ang brownout ay bunsod ng taunang preventive maintenance sa Gamu Substation, na isasabay sa pagkukumpuni at pagsasaayos sa transmission lines ng mga nabanggit na kooperatiba bukas. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?