Posibleng biktima ng summary execution ang natagpuang mga bangkay ng isang hindi kilalang babae at lalaki sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Ilang saksak sa leeg ang sanhi ng agarang kamatayan ng babae, na nasa hustong gulang, nakasuot ng pulang T-shirt at maong na pantalon, nakabalot ng packaging tape ang mukha at nakagapos.

Samantala, may mga saksak din sa leeg ang lalaking biktima, na nasa hustong gulang, nakabalot ng packaging tape ang mukha at nakagapos.

Sa inisyal na ulat ng Pasay City Police, pasado 3:00 ng umaga nang natagpuan ng isang basurero ang magkatabi at duguang bangkay sa madilim na bahagi ng Pearl Drive.

'May milyonaryo ulit!' Lone bettor, wagi ng ₱15M sa Super Lotto 6/49!

Patuloy na inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima, gayundin ng mga salarin at ang motibo sa pamamaslang. (Bella Gamotea)