Nag-deploy ng dalawang C-130 Hercules aircraft na may 100 Airmen ang United State Air Force sa Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Lapu-Lapu City nitong weekend, base na rin sa imbitasyon ng Philippine government.

Ang Air Contingent ng US Air Force sa bansa ay mula sa 374th Air Wing na nakabase sa Yokota Air Base sa Japan, at 36th Contingency Response Group mula sa Andersen Air Force Base sa Guam.

“The purpose of the Air Contingent is to promote increased interoperability between US and Filipino forces, and to further enhance security cooperation between the allies,” ayon sa pahayag ng US embassy.

Habang nasa Pilipinas, ang Pacific Air Forces (PACAF) Airmen ay sasabak sa bilateral training missions, at Subject Matter Expert Exchanges. Makakatuwang ng mga ito ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Unang tinungo ng Air Contingent ang Clark Air Base noong Abril, sinundan ito noong Hunyo 15 at ang ikatlong iteration ay sa Lapu-Lapu City gaganapin. (Roy C. Mabasa)