CUYAPO, Nueva Ecija - Siyam na buwan pa ang lumipas bago tuluyang bumagsak sa kamay ng batas ang isang wanted sa panghahalay makaraan itong makorner sa Barangay Tagtagumbao sa bayang ito.

Kinilala ni Supt. Felix B. Castro, Jr., hepe ng Cuyapo Police, ang nasakote na si Arsenio Lacsa y Bermijo, 55, may asawa, ng nasabing lugar, na mapayapang sumuko sa arresting team.

Dinakip si Lacsa sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng korte sa Guimba at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala niyang paglaya. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar