TANAUAN CITY, Batangas – Isang umano’y drug pusher ang napatay ng mga pulis habang tatlo namang kasamahan niya sa pot session ang nasugatan sa engkuwentro sa Barangay Bañadero sa lungsod na ito.

Nanlaban umano sa buy-bust operation kaya napatay si Edwin Gomez, 39, dakong 8:50 ng gabi nitong Biyernes.

Ayon sa pulisya, may granada umano sa ilalim ng mesa na roon bumabatak ang tatlong kasamahan ni Gomez na sina Emerson Camocamo, 37; Melecio Villanueva, 56; at Justino Almendral, 43 anyos.

Tinangka umanong hawakan ng isa sa mga suspek ang granada kaya pinaputukan sila ng mga pulis.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Narekober sa lugar ang isang .38 caliber revolver, isang granada, dalawang sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia. (Lyka Manalo)