SAN JOSE, Batangas – Mahigit isang buwan ang nakalipas matapos sumuko sa Lucena City Police sa Quezon kaugnay ng Oplan Tokhang, pinatay ang isang umano’y nasa drug watchlist makaraang pagbabarilin sa loob ng isang bahay sa San Jose, Batangas.

Tatlong tama ng bala sa ulo ang tinamo ni Patnubay Ambal, 40 anyos.

Ayon sa report ni PO2 Alfonso De Castro, dakong 1:20 ng hapon nitong Biyernes, kumakain si Ambal nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Barangay Lapu-Lapu 2nd sa San Jose. (Lyka Manalo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar