Isinailalim sa public storm warning signal (PSWS) No. 1 ang dalawang lugar sa Northern Luzon, bunsod ng pagpasok ng bagyong ‘Helen’ sa Philippine area of responsibility (PAR).

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kabilang sa apektado ng bagyo ang Batanes at Babuyan Group of Islands.

Huling natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 1,025 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan, dala ang hanging 140 kilometro bawat oras at bugsong 175 kilometro kada oras.

Sinabi naman ni weather forecaster Gener Quitlong ng PAGASA na bahagya lamang ang paglakas ni ‘Helen’ at maaari nitong maapektuhan ang munisipalidad ng Calayan sa Cagayan. (Rommel P. Tabbad)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists