Iginiit ni Senator Bam Aquino ang pagkakaroon ng proteksyon sa lumalaking bilang ng mga freelance workers sa bansa.
Ayon kay Aquino, dapat na mabigyan ng sapat na proteksyon ang bagong sektor ng paggawa.
Ang freelance workers ay mga manggagawang walang “employee –employer relationship” o walang obligasyon sa magkabilang-panig.
“With more and more freelancers in the country, we are confronted with an urgent need to protect this new sector and empower them with ease of doing business,” ani Aquino.
Sa panukala ni Aquino, binibigyan ng kapangyarihan ang freelancers na hingiin sa employer ang mga nararapat na bayad at benepisyo sa ilalim ng kanilang kasunduan.
Kapag tumanggi ang employer na bayaran ang freelancer para sa serbisyong ibinigay, maaaring maghain ng reklamo ang manggagawa sa Department of Labor and Employment (DoLE).
Multang aabot sa P250,000 ang ipapataw sa employer kapag hindi ito tumupad sa pinasok na kasunduan sa isang freelance worker. (Leonel M. Abasola)