pippa-copy

INIIMBESTIGAHAN na ng London police ang napaulat na hacking sa iCloud account ni Pippa Middleton, kapatid ng Duchess of Cambridge, at sa pagnakaw umano sa 3,000 litrato nito.

Inihayag ng diyaryong Sun noong Sabado na nakipag-ugnayan sa kanila ang umano’y hacker para ibenta ang mga larawan galing sa cellphone ni Pippa sa halagang 50,000 pounds ($65,000). Anila, nakipag-usap ang nagbebenta gamit ang pseudonym na “Crafty Cockney” sa isang encrypted messaging service at nagbigay pa ng sample photos na makikitangng nagsusukat si Middleton ng wedding dress para sa kanyang kasal na magaganap sa 2017.

Dagdag pa ng Sun, sinabi ng hacker na may hawak itong informal photos ng kapatid ni Pippa na si Kate kasama ang mga anak na sina Princess Charlotte at Prince George, at hubad na larawan ng kanyang fiancé na si James Matthews.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Wala pang inaaresto hinggil sa nasabing pangyayari ayon sa Metropolitan Police. (AP)