Laro ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

7 n.g. – SMB vs Ginebra

Unahan sa pedestal ang focus nang labanan sa pagitan ng defending champion San Miguel Beer at crowd favorite Barangay Ginebra sa Game 1 ng best-of-five semifinal series ng OPPO-PBA Governors Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Magkakasubukan ang ‘sister team’ ganap na 7:00 ng gabi.

Nagtapos ang magkabilang koponan sa No.2 at No.3 sa top 8 quarterfinalist.

Para kay coach Tim Cone, matinding laban ang kanilang susuungin kontra sa personal niyang itinalagang “team-to-beat” na San Miguel Beer.

“My apologies to Talk ‘N Text. For me still the team to beat is San Miguel,” ayon kay Cone.

Ang powerhouse local casts ng Beermen sa pangunguna ng reigning MVP Junemar Fajardo ang nakikita ni Cone na malaking bentahe ng Beermen.

At kahit kararating pa lamang ng ikatlong import nilang si Elijah Milsap, bentahe pa rin ang pamilyaridad nila sa laro, ayon pa kay Cone.

Sa panig ng San Miguel, kinakailangan nilang magpakatatag partikular sa depensa para makausad sa championship.

“We will not win a championship if we do not improve our defense,” pahayag ni San Miguel coach Leo Austria. (Marivic Awitan)