MINNESOTA (AP) – Ispesyal ang buong season sa pagreretiro ni Kobe Bryant, habang simple lamang ang naging pamamaalam ni Tim Duncan. Bago magsimula ang NBA season, isang malaking pangalan – Kevin Garnett – ang nagdesisyon na rin na isabit na ang kanyang jersey.

Dalawang araw matapos maiulat na nais ng Minnesota Timberwolves na ‘buy out’ ang huling taong kontrata ng one-time NBA champion, ipinahayag ng 6-foot-11 forward ang pamamaalam sa liga matapos ang 18 season.

Itinuturing isa sa pinakamahusay na player sa kasaysayan ng prangkisa, pinangunahan ng 40-anyos na si Garnett ang Wolves sa walong sunod na playoff at lider sa matagumpay na ratsada ng koponan sa 2003-04 Western Conference finals.

Matatandaang nag-waived ng no-trade clause sa kontra niya sa Minnesota si Garnet sa layuning makasamang muli ang koponan sa pagsisimula ng 2015 season.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Sa kanyang mensahe sa Instagram nitong Biyernes, sinabi ngNBA All-Star na tapos na ang kanyang career.

Tinaguriang “The Big Ticket”, nagiwan ng alamat si Garnett na bahagi ng champion Boston Team noong 2008.