Tuluyang nasawi ang isang babae, habang sugatan naman ang isa pa, matapos masagasaan ng pampasaherong jeep na umano’y nawalan ng preno sa San Miguel, Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ang namatay na biktima na si Rasheda Olama, 37, ng 148, Barangay 648, Carlos Palanca Street, San Miguel, at nagpapagaling naman si Namira Dasilo, 41, ng 261 Padre Casal St., San Miguel.

Arestado naman ang suspek na si Leo Orfilla, 41, ng 708 T. Anzures St., Sampaloc, Maynila na siyang nagmamaneho ng jeep na may plakang TGA-185, at may rutang San Miguel-Ikot via Padre Casal.

Base sa imbestigasyon, dakong 5:05 ng hapon nangyari ang aksidente sa Padre Casal St., kanto ng Carlos Palanca St., San Miguel nitong Huwebes.

Metro

Sec. Dizon, tiniyak maiibsan lagpas-taong baha sa Araneta, QC bago ang tag-ulan

Binabaybay umano ni Orfilla ang Padre Casal, patungo sa kanto ng Carlos Palanca, nang biglang mawalan ng preno ang kanyang jeep hanggang sa tuluyang nasagasaan si Olama at nasagi si Dasilo.

Nahaharap si Orfilla sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at physical injuries. (Mary Ann Santiago)