SINGAPORE – Naisalpak ni dating NBA No.1 pick Jimmer Fredette ang tatlong free throw mula sa kontroberyal na tawag ng referee sa final buzzer para makamit ng Mighty Sports Team Pilipinas ang nakapanghihinayang na 78-77 kabiguan sa Shanghai Sharks sa championship match ng Merlion Cup nitong Linggo sa OCBC Arena dito.

Naghahabol sa 75-77 sa huling pitong segundo, naghanap nang paraan ang Sharks para maipuwersa ang overtime, ngunit higit pa ang nakuha ng Chinese squad nang tawagan ng foul ang Mighty Sports sa pagtatangka ni Fredette sa three-point area.

Walang aleng na naisalpak ng 27-anyos New York native ang tatlong free throws para selyuhan ang panalo ng koponan na pagmamay-ari ni dating NBA star at hall-of-famer Yao Ming.

Nakamit ng Chinese Basketball Association (CBA) ballclub ang unang kampeonato sa torneo matapos ang 20 taong pamamahinga.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kontrolado ng Pinoy cagers ang tempo ng laro at nagawang makalamang sa 69-55 sa kaagahan ng final period.