Umusad palapit sa Final Four ng men’s division ang defending champion National University at University of the Philippines matapos ang magkahiwalay na panalo kahapon sa UAAP Season 79 badminton.

Ginapi ng Bulldogs ang Ateneo, 5-0, habang binokya rin ng Fighting Maroons ang Adamson University, 5-0, sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Bukod sa nahila ang winning run sa 22, nakisosyo ang NU sa UP sa liderato tangan ang parehong 4-0 karta.

Bumagsak ang Blue Eagles sa 2-2, habang ang natikman ng Falcons ang ikaapat na sunod na kabiguan.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Sa iba pang laro, nanaig ang Far Eastern University (2-2) nang gapiin ang University of the East (1-3), 4-1, habang namayani ang De La Salle (2-2) sa University of Santo Tomas (1-3), 4-1.

Target ng Bulldogs at Maroons na makopo ang semifinal seat sa pakikipagtuos sa Red Warriors at Tamaraws, ayon sa pagkakasunod.