Kinuwestiyon ni Senator Leila de Lima ang hakbang ng administrasyon na limitahan ang galaw ng 18-man team ng United Nations (UN) Special Rapporteur na mag-iimbestiga sa umano’y extrajudicial killings sa anti-drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“What kind of investigation can we expect if the government is going to decide how the investigation is going to be conducted by UN rapporteur’s team?” ani De Lima.
Sinabi ni De Lima na hindi nangangahulugan ng censorship ang protocol. Kuwestiyonable umano kung kokontrolin ang mga mag-iimbestiga.
Samantala sinabi naman ni Presidential Communications Operations Secretary Martin Andanar na handa ang Pangulo na magbigay ng kooperasyon sa mga mag-iimbestiga.
Sinabi ni Andanar na ang sinasabi lang naman ng Pangulo ay “pagkatapos nilang (UN rapporteurs) magtanong, sila din ang tatanungin.”
“I don’t think that is asking for the moon and stars,” ani Andanar. (Hannah L. Torregoza at Genalyn D. Kabiling