jk-copy

MAGKAKAROON ng concert ang mga produkto ng reality search na The Voice na sina JK Labajo, Darren Espanto, Klarisse de Guzman at Jason Dy titled One Voice na gaganapin sa Music Museum sa October 1. 

Sa ginanap na presscon para sa kanilang concert, naitanong kay JK Labajo kung totoo nga bang gay ang ka-batch niya sa The Voice Kids na si Darren Espanto.

Noon pa natsitsismis na gay si Darren dahil napapansin daw kung minsan na malamya ang pitik ng mga kamay.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

“I know him, eh,” depensa ni JK sa kaibigan. “I know him personally and I don’t think he is gay.

“Me, personally I’m not trying to lie or defend him para ganyan-ganyan. Kasi he’s my brother and I know naman ‘yung galaw niya, eh. He is not like that. Hindi naman siya ganu’n at wala naman akong nakikitang ganu’n sa kanya,” sey ni JK.

Kapag off-cam, nakikita naman daw niyang lalaking-lalaki ang mga kilos ni Darren.

“Yeah, even off-cam, we’re really close. So, I don’t really see anything na nagbabase sa ganu’n. I don’t know other people see na I don’t see, pero me, personally as his best friend and as his brother, wala akong nakikitang ganu’n.”

Nagkausap na ba sila ni Darren tungkol sa tsismis na ito?

“No, kasi busy ho siya, eh. I’m trying to find time to talk to him about it nga kasi baka naaapektuhan ‘yon, kasi baka naniwala sa mga sinabi ng mga tao. Hindi pa kami nagkausap since then nang one-on-one talaga. Pero plano kong gawin ‘yan kasi nga baka naapektuhan siya, di ba?”

Ilang buwan na raw silang hindi nagkakausap ni Darren at baka nga raw iniiwasan na rin siya nito dahil sa isyu.

“Baka nga… ‘yon nga po ‘yung ayaw ko, eh, ‘yung naniniwala agad sa mga sinasabi ng ibang tao, eh. Dapat kausapin muna ako. Sana hindi siya nagtampo sa akin. Pero kakausapin ko talaga siya about that,” aniya.

Gusto ring linawin ni JK na wala siyang sinabing gay si Darren o kuwestiyonable ang pagkalalaki nito.

“Actually, I did not even say the word. Wala nga akong sinabing anything against about it, so ‘yon lang. I’m not even going to defend myself… I’m just sharing,” paglilinaw ni JK. (ADOR SALUTA)