Tiniyak ng Joint Foreign Chambers (JFC) of the Philippines na magkakaroon ng isang milyong trabaho kada taon sa bansa, kapalit ng US$7.5 bilyong Foreign Direct Investment (FDI).

Ang JFC ay isang koalisyon ng foreign chambers na kinabibilangan ng American, Australian-New Zealand, Canadian, European, Japanese at Korean chambers sa Pilipinas.

Balak ng JFC na paabutin ang FDI sa $12 bilyon, pero sa kanilang pagtaya ay $7 bilyon lamang ang kailangan bawat taon.

Ayon kay Senator Joel Villanueva, ito ang dapat na tutukan ng pamahalaan, bukod sa kampanya laban sa droga.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Maglalaan din ng mga pagsasanay, lalo na sa agribusiness, mining, tourism, at manufacturing sectors.

(Leonel M. Abasola)