Simula ngayong Setyembre 26, 2016, ika-13 taon na ang nakalilipas simula nang isapubliko ang social networking site na Facebook (FB) na may valid email address.
May pagbabago dahil sa minimum age requirement, gayunman, nanatiling patok, depende sa ipinatutupad na batas sa lokal na komunidad.
Inilunsad na “Thefacebook” noong 20014, limitado lamang para sa mga estudyante ng Harvard College ang maaaring maging miyembro ng FB. Ito ay binuo ni Mark Zuckerberg, katuwang ang iba pang estudyante ng Harvard College na sina Eduardo Saverin, Andrew McCollum, Dustin Moskovitz at Chris Hughes.
Sa ikalawang bahagi ng 2016, ito ang pinakasikat na social network sa buong mundo na may 1.71 bilyong aktibong user, 47 milyon sa mga ito ay mula sa Pilipinas.