DALAWANG pelikula na ang nagawa ni Bela Padilla pagkatapos ng assignment niya sa Ang Probinsyano bilang si Carmen na asawa ni Police S/Insp. Joaquin Tuazon (Arjo Atayde).
Ayon kay Bela, fulfillment ito para sa kanya at dito raw muna siya magko-concentrate.
Meron naman aniyang offer sa kanya to do another teleserye pero hindi ito ang prayoridad niya sa ngayon. Naipalabas na ang Camp Sawi at due for showing naman ang pangalawa, at may kasunod itong isa pang film project na uumpisahan next month.
“Actually, may mga ‘binibigay naman po (teleserye) , pero kasi meron din po akong uumpisahan na movie ngayong October kaya nag-decide ‘yung Viva (nagpapatakbo ng career niya) muna na baka next time,” kuwento ni Bela.
“Hindi ko naman po tinatanggihan. Gusto ko nga po pero naka-yes na po kasi kami sa material, so nakakahiya na bawiin pa ‘yung sinabi mo and matagal na pong in-offer sa akin ‘yon. Alam ko po ‘yung next show ko sa Dreamscape pa rin naman po.”
Mukhang sumisikat na si Bela. Nararamdaman ba niyang isa na siyang star in her own right?
“Minsan nga po pagkagising ko, nakakalimutan ko na artista ako, eh. Ang gulo kasi ng buhok ko ‘pag bagong gising ako…
Wala pa, eh. Hindi ko kasi nakikita ‘yung sarili kong ganu’n. Parang… naka-flat shoes nga lang po ako. Kung sa ibang artista siguro baka heels na ang suot, di ba?
“Hindi ko kasi nakikita ‘yung sarili ko na ganu’n. Saka nai-enjoy ko kasi ‘yung pagka-behind the scenes din. So, I think that’s something naman na I appreciate about myself, na hindi ko binibigyan ‘yung sarili ko ng expectations na, ‘O, dapat after nito ‘yung next movie mo ganyan na.Wala pa naman akong ganu’n at sana hindi ako magkaroon. Wala akong ganu’ng expectations sa sarili ko, so, mas masarap magtrabaho kasi masaya lang ako, gusto ko lang ‘yung ginagawa ko,” tuluy-tuloy na paliwanag ni Bela. (ADOR SALUTA)