Umiskor si Filipino super bantamweight Jhon “The Disaster” Gemino ng nakagugulat na first round knockout sa walang talo at ka-stable ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa Top Rank Inc. na si Toka Kahn Clary ng United States sa kanilang sagupaan nitong Setyembre 23 sa Osceola Heritage Center sa Kissimmee, Florida sa Unitd States.

Lamang ng apat na pulgada sa taas, inararo ng mga jab ni Clary si Gemino na tumiyempo lamang bago nagpakawala ng kanan sa bodega at panga kaya bumulagta ang Amerikano.

“Siya (Clary) ang unang sumuntok tapos umilag ako pag-jab ko bigla niya akong pinasok sinabayan ko ng right body at right hook kaya ayun tumama bumagsak siya,” sabi ni Gemino sa Philboxing.com.

Tinangka ni Clary na tumayo pero bumigay ang kanyang tuhod kaya idineklarang nagwagi si Gemino na kilala sa bansag na “The Disaster” eksaktong 1:30 sa unang round.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ito ang unang pagkatalo ng tubong Monrovia, Liberia sa Africa na si Clary na umakyat ng lonang parisukat na may perpektong rekord na 19-0, 13 sa pamamagitan ng knockouts.

“Sobrang saya po kami dito kasama ng aking manager,” sabi ni Gemino na umaasang magkakaroon pa ng magandang laban sa Amerika matapos ang magandang performance laban kay Clary.

Bago ang panalo kay Clary pinatulog din niya sa 7th round si dating Pan African super bantamweight champion Toto Helebe noong nakaraang Agosto 5 sa Emerald Casino, Gauteng, South Africa pero hindi ipinagkaloob sa kanya ang pinaglabanang bakanteng WBA Inter-Continental super bantamweight title dahil overweight siya sa official weight-in na hinihinalang minaniobra ng promoter ni Helebe. Gilbert Espena