BINALONAN, Pangasinan - Isa ang napatay at dalawa ang nasugatan matapos silang pagbabarilin sa gasolinahan sa Barangay Poblacion ng bayang ito.

Ayon kay Chief Insp. Lovell Dalisay, hepe ng Binalonan Police, dead on the spot si Christopher Francisco, 39, ng Bgy. Poblacion, habang sugatan naman sina Felix Repollo, 39, ng Bgy. Bued; at Roberto Ocampo, 28, gasoline boy, ng Bgy. Amambagan, Pozzurubio.

Dakong 4:20 ng hapon nitong Sabado, nagkakarga ng gasolina si Ocampo, kasunod si Repollo nang paputukan ng mga suspek ang target na si Francisco, kaya natamaan din ang dalawa. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar