arnold-palmer-copy

PITTSBURGH (AP) – Taon ngayon ng golf para sa paglisan ng kanilang ‘The King’.

Pumanaw nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa edad na 87 ang pamoso at glamorosong golf icon na si Arnold Palmer.

Sa opisyal na pahayag ni Alastair Johnson, CEO ng Arnold Palmer Enterprises, sumakabilang-buhay si Palmer Linggo ng hapon bunsod ng komplikasyon sa sakit sa puso. Aniya, isinugod sa ospital ang golf hall-of-famer, nitong Huwebes dahil sa kahirapan sa paghinga.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa kasaysayan ng sports, hindi pahuhuli sa pedestal si Palmer hindi lamang dahil sa napagwagihang pitong major title at 62 PGA Tour, kundi sa aura at karisma na minahal ng kanyang mga tagahanga at iginalang ng kanyang kapwa golfer.

Ang kanyang magandang mukha at kabaitan sa kapwa na nasaksihan ng mundo sa unang pagpapalabas ng golf sa telebisyon noong dekada 50 ang naging sandata ni Palmer para magtagumpay sa golf.

“If it wasn’t for Arnold, golf wouldn’t be as popular as it is now,” pahayag ni golf superstar Tiger Woods sa panayam noong 2004 kung saan naglaro si Palmer sa kanyang huling Masters.

“He’s the one who basically brought it to the forefront on TV. If it wasn’t for him and his excitement, his flair, the way he played, golf probably would not have had that type of excitement.

“And that’s why he’s the king,” aniya.

Bukod sa golf, pinangunahan din niya ang sports marketing kung saan maging sa kanyang huling taon sa mundo ay kabilang pa rin sa top three earner sa sports.

“Thanks Arnold for your friendship, counsel and a lot of laughs,” pahayag ni Woods sa Twitter nitong Linggo.

“Your philanthropy and humility are part of your legend. It’s hard to imagine golf without you or anyone more important to the game than the King.”

Sumabak sa PGA Tour si Palmer noong 1955 at nakamit ang unang titulo sa Canadian Open. Naisuot niya ang pamosong green jackets sa Augusta National ng apat na ulit, kampeon sa British Open noong 1961 at 1962 at U.S. Open champion noong 1960.