dingdong-copy-copy

MASAYANG-MASAYA ang buong team ng Alias Robin Hood dahil panalo sa ratings ang kanilang show (sa AGB Nielsen) at pawang magaganda ang feedback ng televiewers.

Bago lumipad si Dingdong Dantes for the States para sa shows nila ni Marian Rivera, nagpahatid na siya ng pasasalamat sa mga sumusubaybay sa kanyang action series.

Tiyak nagmamadaling bumalik ng bansa si Dingdong para sa taping ng Alias Robin Hood. Mas doble o baka triple pa ang excitement at sipag niya ngayong nagustuhan ang mga unang episodes ng action series. Ang kailangan na lang ay ma-maintain ang takbo ng story, husay ng direction at astig na fight scenes.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Si Jaclyn Jose naman na gumaganap bilang ina ni Pepe (Dingdong), nag-post ng picture sa Instagram kasama si Direk Dominic Zapata, ang staff at crew na nilagyan niya ng caption na, “From the director to staff and crew and the production team, maraming salamat sa pagtangkilik ng Alias Robin Hood.”

Dagdag na interes din ng viewers ang leading ladies ni Dingdong na sina Megan Young at Andrea Torres. Kahit happily married na ang aktor, kinakitaan pa rin sila ng chemistry ni Megan. Sa pagpasok ni Andrea sa story, aabangan kung may chemistry rin sila ni Dingdong.

Napatunayan ng Alias Robin Hood na tama ang paniwala nina Direk Dom at Dingdong na sa halip na makasira ay makakatulong sa action series ang negative issue na pinakalat na hindi ito tatangkilikin dahil rip-off daw sa US series na Arrow.

Masarap uling interbyuhin sina Direk Dom at Dingdong ngayong napatunayan nilang hindi kopya sa US series ang Alias Robin Hood, at may sariling story at buhay ang show.

Ayon sa sources namin, sa mga darating pang episodes, lalong makikita ang malayong pagkakaiba ng Alias Robin Hood sa Arrow. (NITZ MIRALLES)