KAMPALA, Uganda (AP) – Isang 18 anyos na babae ang kinoronahan sa beauty pageant para sa kabataang Ugandan na may HIV/AIDS.

Si Natukunda ay tinanghal na Miss Young Positive sa masayang okasyon na ginanap sa Kampala hotel nitong Linggo.

Tinalo niya ang siyam pang kandidata sa taunang patimpalak na inorganisa upang imulat ang kamalayan ng mga tao tungkol sa mga panganib ng diskriminasyon laban sa mga taong may human immunodeficiency virus at acquired immune deficiency syndrome (HIV/AIDS).

Ang HIV-themed beauty pageant ay inilunsad noong 2014 ng civic group na Uganda Network of Young people Living with HIV & AIDS. Layunin nitong mabura ang hindi makatotohanang takot sa AIDS na gumagatong sa diskriminasyon at para mahikayat ang mas maraming taong nahawaan ng HIV na maging bukas sa kanilang kondisyon sa halip na itago ito.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline