TAYABAS CITY, Quezon – Limang katao, apat sa kanila ay bata, ang nasawi sa pagkaabo ng limang bahay sa Sitio Walang Diyos sa Barangay Lalo sa lungsod na ito, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga nasawi na sina Joana Marie Durante, 28; Diserie Durante Rey, 7, Grade 1 pupil; Paul Jake Durante Rey, 5; Julian Audrey Rey Balabies, 3; at John Lloyd Rey Balabies, 12, mag-aaral sa Grade 6 at pawang residente sa nabanggit na lugar.

Nagsimula ang sunog sa bahay ni Virgilyn Chavez Rey, at kumalat ang apoy sa mga bahay nina Pedrito Mendez Flores, 60, may asawa, karpintero; Remelyn Flores Ortiz, 37, manikyurista; Ronilito Liwag Flores, 34, vendor; at Aurora Durante, 49 anyos.

Natagpuan ng mga bombero ang bangkay ng mga biktima sa bahay ni Joana Marie Durante dakong Linggo ng hatinggabi, dalawang oras makaraang maapula ang sunog.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Inaalam pa ang sanhi, dakong 10:00 ng gabi nang sumiklab ang sunog. (Danny J. Estacio)