vilma-copy-copy

CONTRARY sa pang-iintriga ng iba, hindi si Vilma Santos-Recto ang first recipient ng The FAP Luna Golden Reel Award. 

Pang-anim na sa mga pinarangalan ng Luna Awards ng nasabing Lifetime Achievement Award ang kinatawan sa Kongreso ng Lipa City, Batangas.

Una sa limang iba pang mga kilala at sikat na personalidad na ginawaran ng nasabing parangal si Presidente Corazon C. Aquino noong 1997. 

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sumunod naman after five years, 2002, ang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. ang nabigyan ng nabanggit na award. Noong 2007 ay ang dating pangulo at ngayon ay ama ng Manila na si Mayor Joseph Estrada ang binigyan ng Golden Reel Award.

After four years, 2011, napagpasyahan ng Luna Awards na ang dating unang ginang na si Imelda Marcos ang bigyan ng pagkilala. Nang sumunod na taon, 2012, ang Hari ng Komedya na si Dolphy ang ginawaran ng Golden Reel Award.

At ngayon nga, after four years, ay ang Star for All Seasons na si Vilma Santos ang recipient ng Lifetime Achievement Award sa awarding rites na ginanap sa Quezon City Sports Club last Sunday. (JIMI ESCALA)