BEIJING (AFP) – Nagwawala sa social media ang mga Chinese na galit sa restoration ng isang bahagi ng 700-anyos na Great Wall na tinakpan ng semento, kininis at piñata ang ibabaw.
Bantog bilang isa sa pinakamagandang bahagi ng “wild” at hindi nagalaw na pader, ang walong kilometrong Xiaohekou stretch sa hilagang silangan ng Liaoning province ay itinayo noong 1381 sa panahon ng Ming Dynasty.
Makikita sa mga litratong ipinaskil online na ang hindi pantay, gumuguho at tinutubuan ng halaman na bahagi ng pader ay pinalitan ng puti at tila kongretong panakip.
“This looks like the work of a group of people who didn’t even graduate from elementary school,” sabi ng isang user sa Weibo platform, ang katumbas ng Twitter sa China “If this is the result, you might as well have just blown it up.”
“Such brutal treatment of the monuments left behind by our ancestors! How is it that people with low levels of cultural awareness can take on leadership positions?” tanong naman ng isa pa. “Why don’t we just raze the Forbidden City in Beijing, too?”
Maging ang deputy director ng department of culture ng Liaoning na si Ding Hui ay aminadong: “The repairs really are quite ugly,” ayon sa state broadcaster na CCTV.