Asahan ang pagdagsa ng mga turista sa Pilipinas at Israel na magpapalago lalo sa turismo ng dalawang bansa, kasunod ng pagpirma sa isang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Philippine Airlines (PAL) at EL AL Israel Airlines.

Noong Setyembre 20, pinirmahan ang nasabing MOU nina Jaime Bautista, president at Chief Operating Officer ng PAL, at David Maimon, president at Chief Executive Officer ng EL AL Israel Airlines sa EL AL Main Office sa Tel Aviv.

Sinabi ni Bautista na sa paglago ng travel market, ikinatuwa ng PAL na maging parte ng isang cooperation agreement sa EL AL.

Umaasa ang PAL na mapananatili nito ang market growth, maging ang magandang ugnayan sa EL AL.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa panig ni Maimon, sa pamamagitan ng MOU ay inaasahan umano ang long-term plans sa pagpapalawig sa mas malalim na kooperasyon sa pagitan ng PAL at EL AL, gayundin ang pagtutulungan pa ng dalawang kumpanya na makapagbigay ng maraming turista mula sa Pilipinas at Israel at vice versa.

Sinaksihan naman ni Philippine Ambassador to Israel Neal Imperial ang seremonya ng paglalagda sa MOU, kung saan isa itong mahalagang hakbang upang magkalapit umano ang mga Pilipino at Israeli. (Bella Gamotea)