Matapos ang pulisya, mga sundalo naman ang sinanay ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada para magturo ng anti-drug education program na Drug Abuse Resistance Education (DARE) sa mga mag-aaral sa buong bansa.
Ayon kay Estrada, bahagi ito ng kanyang adhikaing mapalawak ang implementasyon ng DARE sa mga paaralan, hindi lang sa Maynila kundi pati na rin sa buong Pilipinas.
“Ito ay isang makasaysayang sandali. Sa kauna-unahang pagkataon, magiging bahagi na ng DARE ang ating mga kasundaluhan. Sila ang magsisilbing ‘forward force’ sa pagtuturo natin ng DARE sa bansa,” ani Estrada sa pagtatapos ng 29 miyembro ng Philippine Army-Civil Military Operations Group (CMOG) sa Manila City Hall. (Mary Ann Santiago)