Handa ang Commission on Elections (Comelec) na magbigay ng kopya ng statement of contributions and expenditures (SOCE) ni Senator Leila De Lima sa pagdinig ng Kongreso kung kinakailangan.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, public document naman ang SOCE kaya’t maaari silang magbigay ng kopya nito kahit sa anumang imbestigasyon.

Ang pahayag ay ginawa ni Bautista matapos na matanong hinggil sa pagdidiin kay De Lima sa pagdinig ng kongreso kaugnay ng drug operations sa New Bilibid Prisons (NBP).

Sinasabing nakinabang ang dating Justice Secretary sa drug operations at ang perang umano’y kinita niya rito ay ginamit niya para sa kanyang kampanya nang tumakbo sa pagka-senador noong May 9 elections.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ipinaliwanag naman ng poll chief na wala silang kakayahan para malaman kung may mga drug lords na contributor ng election fund ni De Lima.

“No mechanism in place to determine if drug money used in campaign, but SOCEs are public docs to check donors,” ayon pa kay Bautista.

Batay sa SOCE ni De Lima, umabot ng P86,831,095 ang total contribution na tinanggap niya habang nasa P88,153,300 naman ang kanyang kabuuang ginastos sa panahon ng kampanya. (Mary Ann Santiago)