Isinusulong ni Senator Edgardo Angara ang pagkakaroon ng pagbabago sa pamamaraan ng pagtuturo upang makahabol ang Pilipinas sa ibang bansa.

Ayon kay Angara, ilan sa mga guro ay nakasalalay sa mga libro ang pagtuturo, at nawawala na ang kritikal at analitikal na pag-iisip.

“Progressive teaching is key in improving the quality of education in the country. The traditions have to change.

Some of our teachers are very bookish and non-critical in their approach—very dogmatic. Teaching should encourage our kids to love learning and develop critical thinking,” ani Angara.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Aniya, may mga batas nang umiiral sa usapin ng edukasyon, pero ang lahat ng mga ito ay nakatuon naman sa ibang antas ng edukasyo at wala ang sinasabing pagbabago sa pagtuturo. (Leonel M. Abasola)