MAY partisipasyon ang Philippine Veteran’s Bank sa Ride N Seek Season 4 ng History Channel Asia. Sakay ng motorbike, binisita ng host na si Jaime Dempsey ang Corregidor Island kasama si PVB President Nilo Cruz.
Nadalaw niya ang iba’t ibang war memorials sa paghahanap ng Priestess’ Cloak.
Sa sumunod na episode ay nadagdagan ang kaalaman niya hinggil sa PVB’s History Wall na nagtatampok sa World War II history ng Leyte, kabilang ang famous na Leyte Landing noong 1944.
Standard feature sa lahat ng branch ng PVB ang history wall. Ang vintage photographs, artifacts at videos ay unique experience para sa mga kliyente ng PVB.
Magpapatuloy sa mga susunod pang episodes ang paglalakbay ni Jaime na ikayayaman ng kanyang kaalaman sa ating kultura, tradisyon at kaugalian. Ang ikinaganda nito ay mapapanood natin ang bansang Pilipinas mula sa paningin ng isang banyaga.
Sa kanyang paglalakbay sa kapuluan, nakatuon ang show sa mga atraksiyon na marami sa ating mga kababayan ang hindi nakakaalam.
Ang Ride N Seek Season 4 ay mapapanood sa History Channel tuwing Linggo, 9:30 PM with replays daily. Sa mga nagdaang seasons, itinampok ng Ride N Seek ang Malaysia, Borneo at Luzon in the Philippines. (Remy Umerez)