Umaasa ang isang paring Katoliko na kapag dumating na sa bansa ang mga kinatawan ng United Nations (UN) at European Union (EU) para mag-imbestiga sa umano’y extrajudicial killings sa bansa, dapat maibalita sa buong mundo kung ano ang totoong pagbabago ang gusto ng mga Filipino.

Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, dapat mabatid ng UN at EU na ang minimithi ng taumbayan ay pagbabago na walang halo ng pagiging hindi maka-Diyos, hindi ayon sa batas at hindi makatao.

Kasabay nito, hiniling din ni Arguelles na ipagdasal si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Let’s pray that Duterte’s love of country will be rooted on love for God,” ayon kay Arguelles sa isang panayam.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Magugunita na inihayag ng Pangulo kamakailan na iniimbita nito ang UN at EU, maging si US President Barack Obama na dumalaw na sa bansa at imbestigahan na ang umano’y extrajudicial killings sa bansa.

“Filipinos should strongly stand against the giant nations hopefully equipped only with the armour of God. All small hitherto oppressed and exploited nations should rally behind us,” ayon pa kay Arguelles.

Samantala inalmahan ni Duterte ang madalas na paninisi sa kanila ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa kaugnay sa serye ng patayan na may kinalaman sa droga.

“Bakit kasi sa amin na lang ng pulisya ang sisi sa patayan sa Maynila, gayong maraming pulis heneral ang mga gangsters rin,” wika pa ng Pangulo.

Kasabay nito, inilarawan ng Pangulo bilang “silencing stage” ang nangyayaring pagpatay sa mga drug personalities, kung saan sila-sila na mismo ang nagpapatayan. (Leslie Ann G. Aquino at Beth Camia)