ILAGAN CITY, Isabela - Nababahala ngayon ang mga magsasaka sa lalawigan Isabela dahil sa napakalaking pinsalang idinulot ng dry spell ngayong taon sa mga tanim nilang mais at palay.

Nagdeklara ang Sangguniang Panglalawigan ng state of calamity sa probinsiya matapos makumpirma na umabot sa halos P1 bilyon ang halaga ng napinsalang mais at palay.

Hiniling naman ng Provincial Agriculture Office (PAO) na maglaan ang lalawigan ng P200 milyon para matulungan ang mga apektadong magsasaka. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar