Tatangkain ni Philippine featherweight champion Randy Braga na makapasok sa world rankings sa paghamon kay OPBF featherweight titlist at WBC 14th rank Ryo Takenaka sa Oktubre 13 sa pamosong Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Ito ang unang pagkakataon na lalaban si Braga sa Japan bagaman kumasa na siya sa South Africa kung saan nakalasap siya ng unang pagkatalo sa kontrobersiyal na 12-round split decision kay Mcbute Sinyabi para sa IBO Inter-Continental featherweight crown noong Abril 24, 2015.

Natamo ni Braga ang Philippine 126 pounds belt nang palasapin ng unang pagkatalo ang ngayon ay WBO No. 15 featherweight na si John Neil Tabanao noong Hulyo 12, 2015 sa 12-round split decision sa Paranaque City.

Naagaw ni Takenaka ang OPBF crown sa Pilipinong si Vinvin Rufino noong Agosto 10, 2015 via 5th round TKO at minsang naidepensa sa kababayang si Akira Shono via 6th round TKO noong Abril 14, 2016 sa mga sagupaang ginanap sa Korakuen Hall.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May rekord si Takenaka na 14-3-1 win-loss-draw na may 8 panalo sa knockouts samantalang ang mas beteranong si Braga ay may kartadang 19-1-1 win-loss-draw na may 5 pagwawagi sa knockouts. (Gilbert Espena)