WALANG duda, malaki pa rin ang impluwensiya ni Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari sa Mindanao. Dati siyang governor ng Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) noong panahon ni ex-Pres. Fidel V. Ramos. Bagamat pinaghahanap ng batas at pinananagot sa Zamboanga siege noong panahon ni PNoy, hinihingi ngayon ni President Rodrigo Roa Duterte ang kanyang tulong at sinusuyo para sa pagkakaroon ng kapayapaan sa katimugan, kasama ang Moro Islamic Liberation Front (MILF), MNLF at mga lumads.

Bilang patunay na may impluwensiya pa siya at kredebilidad sa Mindanao, partikular sa Sulu, kahit siya ay hinahanting ng gobyerno dahil sa pagsalakay sa Zamboanga City ilang taon ang nakararaan na ikinamatay ng maraming tao, nagawa niyang mapalaya ang apat na bihag ng Abu Sayyaf Group (ASG), tatlong Indonesian at isang Norwegian.

Ang tatlong Indonesian fisherman ay sina Lorens Koten, Teo Doros Kofong, at Emmanuel Arakian. Ang Norwegian ay si resort manager Kjartan Kessingstad na pinalaya ng ASG noong Sabado ng gabi matapos umanong tumanggap ng P30 milyong ransom. Kapwa itinatanggi ng PH government at ng Norway na nagbayad sila ng ransom sa bandidong grupo.

Ayon sa mga report, ang apat na bihag ay ibinigay nila kay Misuari, ngayon ay lider o chairman ng isang paksiyon ng Moro National Liberation Front (MNLF), na lumagda sa peace agreement sa pamahalaan noong si FVR ang presidente.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Tinurn-over naman ni Nur ang mga pinalayang bihag kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza sa Indanan, Sulu noong Sabado ng gabi. Dinala ni Dureza ang apat na hostage sa Davao City upang iharap kay Mano Digong.

Tatlo ngayon ang paksiyon ng MNLF sa Mindanao.

Hinirang ni President Rody si journalist Teodoro “Teddyboy” Locsin bilang permanent representative sa United Nations (UN). Si Locsin ay dating Press Secretary ni ex-Pres. Cory Aquino. Naging kongresista rin siya sa Makati City. Naging pamoso si Locsin noong panahon ni Cory Aquino matapos siyang makunan na naka-dirty finger sa mga tao na bumabatikos kay Tita Cory.

Tulad ni Pangulong Duterte, siya ay may matalas din at maasidong dila na walang patumangga sa pagbatikos at pamumuna sa mga kalaban bilang abogado, pulitiko at mamamahayag. Bilang envoy o kinatawan ng Pilipinas sa United Nations ni Ban Ki-moon, kailangan marahil niya maging diplomatiko sa mga pananalita at aksiyon, at iwasang ibuka ang “acidic tongue” upang hindi malagay sa alanganin ang ‘Pinas sa harap ng maraming bansa.

May payo nga si President Rody kay Locsin: “Huwag ako ang ipagtanggol mo, ang ibandila mo ay ang ating bansa.”