May bago nang chairman ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Ito ay matapos iluklok ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Chairman Martin Diño bilang chairman at administrator ng SBMA, kapalit ni outgoing SBMA Chairman Roberto Garcia.

Sinabi ni SBMA deputy administrator for legal affairs Randy Escolango, nagpadala na ng transition team si Diño sa SBMA para sa maayos na turn-over sa sandaling lumabas ang kanyang appointment paper.

Magugunitang si Diño, na dating chairman ng Barangay San Antonio sa Quezon City, ang tumayong proxy ni Duterte sa pagpa-file ng certifictate of candidacy (CoC) nitong nakalipas na halalan.

Tsika at Intriga

Michael Pacquiao, 'sobrang Latino' dahil sa ilong

Una na ring itinalaga ng Pangulo bilang pinuno ng Film Academy of the Philippines ang anak nitong si Liza Diño, habang ang partner ni Liza na si Aiza Seguerra naman ang bagong pinuno ng National Youth Commission. (Beth Camia)