charo-copy

NAPAKALIGAYA ni Charo Santos-Concio sa pagkakapanalo ng pinagbibidahan niyang bagong obra ni Lav Diaz na Ang Babaeng Humayo ng prestigious Golden Lion award sa katatapos na 73rd Venice Film Festival. 

“I am happy for Filipino films,” pahayag ni Charo nang humarap sa entertainment press para sa kanyang pagbabalik-pelikula after l7 years na busy life niya sa corporate world.

Bakit nga ba naman hindi napapansin ng international movieworld ang Filipino films, katunayan ang sunud-sunod na awards na ipinagkakaloob sa Pinoy indie filmmakers.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ano ang nagbunsod kay Charo para tanggapin ang proyekto ng isang direktor na trademark ang pagawa ng mahahabang pelikula? Ang huling project nitong Hele Sa Hiwagang Hapis ay walong oras ang screening time. Ang Babaeng Humayo ay may running time namang 228 minutes (aabutin ng halos apat na oras) and we are thankful.

“I want to understand his films. Curious akong malaman kung bakit halos hindi gumagalaw ang kanyang kamera at kung paano siya mag-motivate ng artista. Ang main reason siyempre ay ang pagiging mapanghamon ng role. Sa aking palagay ay walang aktres na tatanggi na gampanan ang role ni Horacia,” paliwanag ni Charo.

Si Horacia ay former teacher na pinalaya mula sa kulungan pagkaraan ng tatlong dekada sa salang hindi niya ginawa.

Isang bagay lamang ang gusto niyang mangyari sa kanyang paglaya at ito ay ang maghiganti.

Ang istorya ayon kay Lav Diaz ay inspired ng short story ni Leo Tolstoy na God Sees the Truth But Wait.

Co-production ng Cinema One Originals at Sine Olivia Pilipinas at ipinamamahagi ng Star Cinema ang Ang Babaeng Humayo. (REMY UMEREZ)