DASMARIÑAS CITY, Cavite – Isang babae at isang tatlong taong gulang na lalaki ang nasawi habang anim na iba pa ang nasugatan makaraang salpukin ng isang truck ang hilera ng mga tindahan at isang poste ng kuryente sa Molino-Paliparan Road sa Barangay Paliparan III sa siyudad na ito, nitong Biyernes ng umaga.

Pumalya ang preno ng Isuzu truck (CXL-782) at unang binangga ang sinusundan nitong Hyundai Eon (ABH-1813) at isang Kawasaki motorcycle (2456-UI) bago dumiretso sa gilid ng kalsada.

Kinilala nina PO2s Ronald Manaig at Donato Almenario ang mga nasawi na sina Luningning Cabarloc, 47; at Prince John Rivera Guardado, 3; habang sugatan naman sina Arnold Daguiling, Arthur Daguiling, Alan Estanol, 21; Rodelyn Rivera; Mitz Rivera, 9; at Paul James Manalo, 20, truck helper.

Inaresto naman ng pulisya ang driver ng truck na si Manuel Clemente Cruz, 48, ng Bgy. San Fernando, Sto. Tomas, Batangas, pagkatapos ng aksidente.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa imbestigasyon, nasagasaan ng truck ang mga biktima nang araruhin nito ang hilera ng mga puwesto ng vendor, isang tindahan at isang poste ng kuryente sa gilid ng kalsada.

Dahil sa pagkabuwal ng poste ay nawalan ng kuryente sa lugar. (Anthony Giron)