Nakikiisa ang Pilipinas sa panawagan ng international community para sa mapayapang pagresolba sa krisis na nagaganap sa Republic of Yemen, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa kalatas ng DFA, nanindigan ang Pilipinas sa pagsuporta sa UN-brokered negotiations, na pinapanatili ng Gulf Cooperation Council (GCC) Initiative at ng resulta ng National Dialogue.

“The Philippines adopts the view that the conflict in Yemen should not threaten Yemen’s neighbors and calls on all parties to ensure the delivery of humanitarian and medical assistance to the people of Yemen,” ayon pa sa DFA.

Mahigpit na minomonitor ng DFA at ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang sitwasyong pulitikal at seguridad sa Yemen.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Patuloy na inaasikaso ng DFA at ng Embahada ang mga ligtas na ruta para sa paglikas ng mga natitirang Pilipino sa Yemen. (Bella Gamotea)