210916_rosvsphoenix_04_riodeluvio-copy

Sa kabila ng kanilang naging kabiguan sa katatapos na season ending conference, nais na mapanatili ni Rain or Shine coach Yeng Guiao ang komposisyon ng kanyang koponan para sa susunod na season.

Ngunit ang ikinalulungkot ng long-time mentor ng Elasto Painters ay ang katotohanang hindi nya hawak ang kapalaran ng ilan sa kanyang mga players.

“Yun naman ang pilosopiya namin. Noon pa, we try to keep the team together.At kung meron man mga pagbabago minor changes lang because we try to build our chemistry, familiarity and camaraderie. Kaya hindi kami sanay nung may mga malaking pagbabago,” pahayag ni Guiao makaraang mabigo ang koponan na umusad sa quarterfinals ng 2016 PBA Governors Cup.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sampu sa kanyang mga kasalukuyang players ang nakatakdang mapaso ang kontrata na kinabibilangan ng mga kanilang mga starters na sina Paul Lee, Jeff Chan, Beau Belga, Jericho Cruz at JR Quiñahan.

At kahit hindi magsalita si Guiao, tiyak na sa kanyang isipan ay nais niyang mapanatili ang core ng kanyang team.

“Looking back, I think we achieved something special. I keep saying na hindi naman kami yung pinakamagaling na team, pinaka-talented, but we were able to make ourselves contenders consistently and champion team twice over in the last four years.”

Hindi man niya aminin, batid ni Guiao na mahirap na mapanatili ang komposiyon ng kanyang koponan.

“Contract negotiations are always challenging,” ani Guiao. “But I’m confident that we can manage, and sa sampu, if you have an eighty to ninety-percent batting average, maganda-ganda na yun. Baka one-hundred percent pa nga eh.”

“As of now, if we can sign up the 10 guys, wala na akong hahanapin. I think we can compete in the all-Filipino,”dagdag pa nito. (Marivic Awitan)