WASHINGTON (AFP) – Inendorso ng New York Times si Hillary Clinton bilang pangulo noong Sabado, binanggit ang talino, rekord sa public service at iba pang magagandang katangian ng dating first lady na swak para sa White House.
Sa isang editorial, itinodo ng maimpluwensiyang Times ang suporta kay Clinton at sinabing si Donald Trump ang ‘’worst nominee put forward by a major party in modern American history.’’
Ngunit hindi dapat na iboto ng mga Amerikano ang Democrat na si Clinton dahil lamang sa siya ay alternatibo kay Trump, katwiran ng pahayagan. Sa halip, dapat na iboto si Clinton dahil sa kakayahan niyang malagpasan ang mga hamong kinakaharap ng United States sa loob at labas ng bansa.
Si Trump ay walang kongkretong plano “while promising the moon and offering the stars on layaway,’’ ayon sa editorial.
Inilathala ang editorial dalawang araw bago ang unang TV debate nina Clinton at Trump.