Hindi tatama sa alinmang bahagi ng bansa ang inaasahang pagpasok ng bagyong “Helen” sa Philippine area of responsibility (PAR).

Sa panayam, sinabi ni weather specialist Jun Galang ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), walang direktang tatamaan sa bansa ng bagyong may international name na “Megi”.

Ayon sa PAGASA, itinaas na nila sa severe tropical storm si “Megi” bunsod na rin ng dala nitong malakas na hangin habang ito ay nagbabadyang pumasok sa Pilipinas.

Ang natukoy na sama ng panahon ay huling namataan sa labas pa rin ng PAR sa layong 1,510 kilometro Silangan ng Central Luzon at ito ay may dalang hanging 95 kilometro kada oras at bugsong 120 kilometro kada oras.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kumikilos ito pa-Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 24 kilometro bawat oras. (Rommel Tabbad)