MAYANTOC, Tarlac – Kapwa nasugatan ang driver ng dalawang tricycle, gayundin ang pasahero ng isa sa kanila, makaraan silang magkabanggaan sa provincial road ng Barangay Mamonit sa Mayantoc, Tarlac, nitong Biyernes ng hapon.

Nasugatan sa iba’t ibang parte ng katawan sina Dandred Tomas, 20, driver ng Honda motorized tricycle (CX- 2176), ng Bgy. Bigbiga, Mayantoc; Francisco Corpuz, 45, driver ng isa pang Honda tricycle (SX-5594), ng Bgy. Melecio Manganaan; at Lidena Facun Macanas, nasa hustong gulang, ng Bgy. Pitombayog, Mayantoc, Tarlac. (Leandro Alborote)

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay