Nais ni Senate Minority Leader Ralph Recto na pag-aralan muna ng pamahalaan ang binabalak na unlimited na importasyon ng bigas upang maprotektahan ang mga magsasaka sa bansa.
Sa kanyang resolusyon, idiniin ni Recto na dapat na pag-aralan ang mga magiging epekto ng rice trade liberalization upang matiyak na maisakatuparan ang mga ipinahihiwatig na benepisyo nito ay maprotektahan ang kapakanan ng ating mga magsasaka at agricultural workers.
Ito ang reaksyon ni Recto matapos manawagan ang National Economic Development Authority (NEDA) na tangggalin ang quantitative import restrictions sa bigas sa paniniwalang ibababa nito ang presyo at itataas ang kita ng mga magsasaka. (Leonel M. Abasola0