Mainit ang naging pagtanggap ng manonood sa knockout na saya at sorpresang hatid ng TRUST Amateur Boxing Challenge 3 na ginanap kamakailan sa Robinsons Place Antipolo.

Sa pagbabalik ng taunang torneo, isang bagong konsepto ng kompetisyon ang ipinakilala kung saan ang mga mandirigmang pumasa sa serye ng tryout ay hinati sa dalawang grupo – ang Team North at ang Team South.

Nagwagi sa unang leg ng kompetisyon ang Team South kung saan nakuha nila ang apat na panalo sa pitong magkakaibang dibisyon.

Nakapagbigay ng puntos para sa kanilang koponan ang mga nagbabalik na sina Jonathan “Pretty Boy” Almacen at Marjohn “Shotgun” Manahan sa flyweight at welterweight division.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Namangha naman ang mga kalalakihan sa pagrampa ni FHM Model Nika Madrid bilang isa sa mga TRUST Ring Girls.

Layunin ng TRUST Amateur Boxing Challenge 3 na linangin ang sportsmanship at athleticism sa mga kalalakihan, ilayo sila sa masamang bisyo sa pamamagitan ng paghikayat sa kanila na makilahok sa palakasan at pagyamanin ang interes sa larong boxing.

Nais ding iparating ng TRUST Condoms na sa anumang uri ng laban,mahalagang isaisip na “Bago Umaksyon, Proteksyon!”