Nagawang saksakin ng isang lalaki ang kanyang kapitbahay matapos siyang matuluan ng tubig-ulan na nagmula sa bubong ng bahay ng huli sa Tondo, Maynila, nitong Huwebes ng hapon.

Patuloy na nagpapagaling sa ospital ang biktimang si Emil Marcos, 38, ng 1689, Interior 14, F. Varona Street, Tondo, Maynila, habang pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek na si Gilbert Malubay, nasa hustong gulang, ng 1689, Interior 14, F. Varona St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ni Police Supt. Redentor Ulsano, commander ng Manila Police District (MPD)-Station 1, dakong 1:30 ng hapon nangyari ang pananaksak malapit sa tahanan ng biktima.

Una rito, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sina Marcos at Malubay nang matuluan ng tubig-ulan ang suspek na naipon mula sa bubong ng bahay ng biktima, habang naglalakad sa eskinita.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Kapwa kumuha ng patalim sina Marcos at Malubay hanggang sa tumakas ang una ngunit nadulas sa basang kalsada dahilan upang maabutan siya ni Malubay at sinaksak sa kaliwang kilikili. (Mary Ann Santiago)