Setyembre 24, 1992 nang ilunsad ang American basic cable and satellite television channel. Kilala ang nasabing cable channel sa science fiction, fantasy, horror, supernatural, paranormal, drama, at reality programming. Ang unang programang ipinalabas sa network ay ang classic film na “Star Wars”.
Ilan sa mga kilalang programa na naisahimpapawid sa channel ay ang seryeng “Battlestar Galactica,” ang Emmy Award winner miniseries na “Taken,” “Law
& Order: Special Victims Unit,” “ECW,” at “WCG Ultimate Gamer” at animé.
Pag-aari ng NBC Universal Cable division ng NBC Universal, isang subsidiary ng Comcast, ang Sci-Fi Channel ay tinawag na “SyFy” noong Marso 2009. Nakarating maging sa Asia ang Sci-Fi Channel noong Hulyo 2008. Sa Pilipinas, pinalitan ng Universal Channel (Philippines) ang Sci-Fi Channel noong Hulyo 2010.